HINDI na nga marahil kalabisan na sabihing talamak ang katiwalian sa pamahalaan. Sa mga pag-aaral, lumalabas na ang pamahalaang Arroyo ang pinakatiwali sa Silangang Asya at isa sa pinakatiwali sa buong mundo. Kabi-kabila ang pagsisiwalat ng iba’t ibang indibiduwal at puwersa ng oposisyon ng mga kaso ng katiwalian ng pamahalaan. Laman din ng balita sa telebisyon, radyo at mga pahayagan ang mga pagbubunyag na ito.
Sa National Study Conference on Corruptionary: An Innovative Cultural Tool for Good Governance na ginanap noon lamang Disyembre 2008, inugat ang sanhi ng katiwalian, sinuri ang sistema kung saan ito namumugad, at ang mungkahing mga programa na maaaring magwakas sa kalakarang ito.
Pinakatiwali sa lahat ng tiwali?
Sa pag-aaral ng kilalang mga institusyon, lumalabas na malala ang rekord ng administrasyon ng pangulo sa katiwalian. Ayon sa United Nations Development Program o UNDP noong 2004, umabot sa P100 Bilyon mula sa pambansang badyet para sa unang taon ng pangulo sa puwesto ang nauwi sa bulsa ng matataas na opisyal ng pamahalaan. Batay naman sa pag-aaral ng Tranparency International na nakabase sa London, Great Britain, isa ang Pilipinas sa may pinakatiwaling pamahalaan sa rehiyon ng Asya-Pasipiko samantalang ayon sa World Bank, ito ang may pinakatiwali sa Silangang Asya.
Sa sarbey ng Pulse Asia noong Disyembre 2008, lumabas na si Pang. Arroyo ang pinakatiwali sa naging mga pangulo ng bansa. Binanggit ni Prop. Tolentino na mas masahol pa si Arroyo kay Marcos at Joseph Estrada na pawang napatalsik dahil sa popular na pag-aalsa ng mamamayan na may kaugnayan sa mga kaso ng katiwalian.
Gayundin, mismong ang Office of the Ombudsman ay nagsasabing halos P200-B ang nawawala sa kaban ng bayan taun-taon dahil sa katiwalian.
SAGOT O LUNAS PARA MAWALA ANG MGA TIWALI SA GOBYERNO/PAMAHALAAN
HHABANG BUHAY NA PAGKAKAKULONG